Iniulat ng state weather bureau na patuloy na naitatala ng kanilang ahensya ang pagtaas ng siesmic activities ng bulkang Bulusan sa probinsya ng Sorsogon.
Sa advisory na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, maaaring may nagaganap na hydrothermal processes sa ilalim ng bulkan at maaari itong humantong sa steam-driven eruptions sa lagusan nito.
Ayon sa ahensya, aabot sa 116 na mga pagyanig ang naitala sa naturang bulkan simula pa noong alas 9 ng December 29, 2023.
110 sa mga pagyanig na ito ay nauugnay naman sa pagkawasak naman ng mga bato sa timog na bahagi ng dalisdis ng bulkan.
Anim naman dito ay maituturing na low frequency volcanic earthquakes na may kaugnayan sa paggalaw ng volcanic fluids.
Sinabi pa ng Phivolcs na ang pamamaga sa southwestern at southeastern na bunganga ng naturang bulkan ay namataan simula pa noong Pebrero ng nakaraang taon.
Samantala, ang volcanic degassing mula sa crater at aktibong lagusan nito ay napakahina hanggang sa katamtaman” .
Patuloy naman ang paalala ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan at sa publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer (km) radius permanent danger zone ng bulkan.
Kinakailangan rin aniya na maging mapagmatyag yoong mga lugar na malapit sa 2-km extended danger zone.
Ipinagbabawal rin ang pagpapalipad ng anumang uri ng sasakyang pamhimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa ibinubugang abu nito dulot ng phreatic eruption na maaari namang makapinsala sa sasakyang panghimpapawid.
Pinag-iingat rin ang mga residente malapit sa mga ilog o batis dahil sa posibleng pagdaloy ng lahar.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang alert level 1 sa naturang bulkan matapos ang mga naitatalang volcanic quakes.