-- Advertisements --
Sumabog ang bulkan na malapit sa Reykjavik ang capital ng Iceland.
Ayon sa Icelandic Meteorological Office (IMO) , na naramdaman din ng mga residente na may layong 40 kilometers ang pagsabog ng Mount Fagradalsfjall.
Ang nabanggit ng bulkan ay naging aktibo na rin ng anim na buwan mula Marso hanggang Setyembre 2021.
Bagamat walang abo na nakita ay pinangangambahan rin ang pagbuga ng gas mula sa bulkan.
Pinayuhan din ng mga otoridad ang mga residente na malapit sa bulkan na maging mapagmatyag sa anumang aktibidad ng bulkan.