-- Advertisements --
Nagbuga ng makapal na usok ang Mount Ili Lewotolok sa Jakarta, Indonesia.
Dahil sa insidente ay inalerto ng mga otoridad na huwag ng lumapit sa bulkan.
Wala namang naiulat na nasawi at mga naitalang damyos sa pagbuga ng usok na may taas na aabot ng 700 metro.
Pinayuhan din ng Volcanology and Geological Hazard Mitigation Center ang mga residente na magsuot ng face mask dahil sa mga abu na galing sa bulkan na magdudulot ng hindi maganda sa kalusugan.
Huling sumabog ang bulkan ay noong 2020 kaya napilitang lumikas ang ilang daang residente sa lugar.