-- Advertisements --
Muling sumabog ang isang bulkan sa Suwanose Island sa bansang Japan nitong Linggo ng madaling araw, Enero 14, ayon sa weather agency ng bansa.
Nangyari ang pagsabog nitong alas (12:22 Japan standard time) (1:22 Philippine standard time) sa Mt. Otake.
Wala naman naiulat na nasugatan kaugnay ng nasabing pagsabog.
Nagbabala naman ang awtoridad sa posibleng paguho ng malalaking bato mula sa bunganga ng bulkan dalawang kilometro ang layo.
Samantala, itinaas sa alert level 3 ang bulkan dahilan upang ihayag ng Meteorological Agency sa publiko na iwasang pumasok sa danger zone.