Muling nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) ng sampung volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa Phivolcs, nakitaan ng pamamaga sa malaking bahagi ng bulkan habang tuluy-tuloy ang pagbuga nito ng hanggang 31 ton ng asupre kada araw mula pa noong kalagitnaan ng Hunyo.
Samantala, sa nakalipas na tatlong araw ay naitala ang pagbaba ng bilang ng mga volcanic earthquake sa naturang bulkan.
Noong Aug. 15, namonitor ang hanggang sa 22 na pagyanig habang kahapon, Aug 16, umabot ito sa 13.
Nananatili namang ipinagbabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone(PDZ) sa palibot ng bulkan kasama na ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa taas/tapat nito.
Ang bulkang Bulusan ay nananatili sa ilalim ng Alert Level 1.