-- Advertisements --
Muling iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang halos walang-tigil na pagbuga ng abo mula sa bulkang Kanlaon.
Batay sa ulat ng ahensiya, tumagal sa 111 minuto o halos dalawang oras ang naturang aktibidad at naglabas ng 3,469 tonelada ng asupre.
Muli ding nakapagtala ang ahensiya ng mataas na bilang ng volcanic earthquake kung saan sa huling reporting period ay gumawa ang bulkan ng 23 pagyanig.
Nananatili namang inflated ang malaking bahagi ng bulkan na ayon sa Phivolcs ay sinyales ng nagpapatuloy na banta nito tulad ng panibagong pagbuga.
Tuluy-tuloy din ang banta ng lava flow at ashfall sa palibot ng bulkan kaya’t nananatiling mapanganib ang pagpasok sa 6-kilometer radius.