-- Advertisements --

Muling nagbuga ng makapal na abo ang bulkang Kanlaon, batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa report na inilabas ng ahensiya, ang makapal na abo ay may taas na 1,500 metro mula sa mismong bunganga ng bulkan.

Napadpad ito sa kanlurang direction at inaasahang makaka-apekto sa La Carlota City, Bago City, at iba pang kalapit na mga bayan.

Pinag-iingat naman ng Phivolcs ang mga residente laban sa banta ng panibagong ashfall na maaaring magdulot ng banta sa kalusugan kung nalanghap o kung nailapit sa katawan.

Pinagsusuot din ang mag residente ng mga face mask at iba pang mga maaaring pananggalang sa usok at abo na nagmumula sa naturang bulkan.

Nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Kanlaon, na nangangahulugang tuloy-tuloy ang mga heightened volcani activity sa ilalim nito.