Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw na nagbuga ang bulkang kanlaon sa may Negros ng modrate plumes na umabot sa 500 metrong taas sa nakalipas na 24 oras.
Napadpad sa hilagang silangang direksiyon ang naturang plumes mula sa bulkan.
Naobserbahan din na nagbuga ang bulkang Kanlaon ng 1,089 tonelada ng sulfur dioxide sa nakalipas na mga araw.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert level 1 o low level unrest sa bulkang Kanlaon at patuloy na nakakapagtala ng volcanic earthquake sa nakalipas na buwan subalit kahapon aniya ay walang naitala.
Muling nagpaalala naman ang Phivolcs sa mga residente malapit sa bulkan na iwasan ang pagtungo sa 4 kilometer radius permanent danger zone.
Gayundin hindi pinapayagan ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.
Ito ay dahil na rin sa posibilidad ng biglaan steam-driven o phreatic eruption.