-- Advertisements --

Muling nagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon nitong umaga ng Biyernes, Enero 24 sa gitna ng nagpapatuloy na unrest sa bulkan.

Sa inilabas na time-lapse footage ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagtagal ang pagbubuga ng abo ng bulkan ng nasa 30 minuto sa pagitan ng alas7:01 ng umaga hanggang alas-7:30 ng umaga.

Ayon sa ahensiya ang naturang event ay nakapag-generate ng grayish plume na umabot sa 200 metro ang taas sa tuktok ng crater bago ito mapadpad sa kanlurang direksiyon.

Sa kabila nito, nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan na nangangahulugan na may mataas na antas ng volcanic unrest.

Kayat ibinabala sa publiko ang posibilidad ng mga biglaang pagputok ng bulkan, lava flow, ashfall at iba pa.

Huling naitala ang pagsabog ng bulkang Kanlaon noong Disyembre 9, 2024 na nagbunsod sa PHIVOLCS para itaas ang alerto nito mula sa Alert level 2 sa kasalukuyang Alert level 3, kung saan inirerekomenda ang paglikas ng mga residente mula sa 6-kilometer radius mula sa summit ng bulkan.