-- Advertisements --
Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng bulkang Kanlaon.
Ito ay matapos nilang ma monitor ang pagbuga nito ng makapal na sulfur dioxide noong nakaraang araw.
Isa umano ito sa pinakamataas na gas emission mula sa bulkan na kung saan may average na 4,839 tonelada.
Nananatili ito ngayong naka-alert level 2 dahil sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ng 20 volcanic earthquake sa Kanlaon at plume na may 500 metro ang taas.
Paalala ng PHIVOLCS sa publiko, huwag na munang lalapit sa permanent danger zone sa paligid ng bulkan dahil may posibilidad pa rin ito na magkaroon ng phreatic explosion.