-- Advertisements --

Kinumpirma ng Phivolcs ang naitalang explosive eruption mula sa Mt. Kanlaon ngayong umaga ng Martes.

Ayon sa inisyal na impormasyon, alas-5:52 ng umaga nang mamataan ang makapal na usok mula sa crater ng aktibong bulkan.

Dahil dito, inaasahan ang makapal na ashfall sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

Partikular na maaapektuhan ang western section ng probinsya na La Carlota City, La Castellana at mga karatig na bayan.

Bago ito, nagkaroon din ng 14 volcanic earthquakes sa nakalipas na mga oras.

Ang Sulfur Dioxide Flux naman ay pumalo sa 1,655 tonelada.

Patuloy na pinag-iingat ang mga residente na dahil sa panganib sa balat ng mainit na abo, pati na ang mga may respiratory concerns dahil sa posibleng malanghap ang kontaminadong hangin.