-- Advertisements --

Nakapagatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs-DOST) ng 17 mga volcanic earthquakes mula sa bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.

Liban nito umaabot sa 196 na tonelada o sulfur dioxide ang pinakawalan ng bulkan.

Umabot naman ito sa 300 metro taas kung saan napadpad ito sa hilagang silangan na bahagi.

Nilinaw ng phivolcs na katamtaman lamang ang pagsingaw na ito, at may bahagyang pamamaga pa rin ang bulkan.

Sa ngayon nananatili pa rin ang pagbawal sa pagpasok sa apat na kilometro radius na permanent danger zone.

Liban nito bawal pa rin ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Kaugnay nito, patuloy pa rin naman ang paalala ng Phivolcs sa posibleng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.