-- Advertisements --

Nakapagtala ng mga bagong aktibidad ang Bulkang Kanlaon batay yan sa inilabs na datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa nakalipas na 24hrs na obserabasyon nito.

batay sa datos, nakapagtala ng mahigit 12 pagyanig o volcanic earthquakes kasabay ng 2 volcanic tremors ang bulkan na nagtagal ng halos 13 hanggang 24 na minuto.

Kasabay nito ay nakapagtala rin ng dalawang ebses na pagbubuga ng abo ang bulka na tumagal rin ng 13 hanggang 24 na minuto kung saan nakapagbuga ito ng 2077 tonelada ng sulfur dioxide.

Ito ay may taas na 400 na metro na walang patid na pagsingaw at may kasamang panaka-nakang abo.

Dahil dito kasalukuyang nakataas pa rin ang Antas ng Alerto bilang 3 sa bulkan at pinayuhan ang mga residente na patuloy na maging maingat sa kanilang paligid dahil sa mga posibilidad ng biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, rockfall at pagdaloy ng lahar kung may malalakas na pagulan.

Samantala, patuloy namang nakaantabay ang PHIVOLCS at ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga aktibidad ng bulkan na nananatili pa ring mataas hanggang ngayon.