CEBU CITY — Binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng Kanlaon Volcano sa Negros Oriental matapos na naipanatili ang Alert Level 1 status nito.
Batay sa inilabas na bulletin mula sa PHIVOLCS, naitala ang walong volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras at naitala ang ilang mga senyales gaya ng sulfur dioxide emission at iba pa.
Dahil dito, nakita ng ahensya na nasa “abnormal condition” ang nasabing bulkan at pinayuhan nito ang local government units na iwasan ng mga tawo ang 4-kilometer Permanent Danger Zone.
Nag-abiso din ang PHIVOLCS sa mga civil aviation authorities na iwasan munang lumipad malapit sa bukana ng bulkan dahil sa posibleng phreatic eruptions.
Una nito, walang naitalang aftershocks ang naranasang magnitude 3.9 na lindol na yumanig sa Siaton, Negros Oriental at sa mga karatig nitong lugar.
Maalalang unang itinaas sa Alert Level 1 ang Canlaon Volcano, na natatanaw sa hilagang bahagi ng Cebu, noong Marso 11 matapos naitala ang 80 volcanic earthquakes.