LEGAZPI CITY – Mananatili pa sa Alert level 1 ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na naitatalang mga aktibidad nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr. Paul Alanis ang resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sa nakalipas na 24 na oras nakapagtala ang kanilang mga ekipahe ng isang volcanic earthquake sa paligid ng bulkan.
Kahit pa mahina at hindi na nararamdaman ng mga residente ang pagyanig, indikasyon pa rin ito na nanatiling aktibo ang bulkan at may posibilidad pang sumabog.
Ayon kay Alanis, hindi nila binabaliwala ang maliit na posibilidad na ito kung kaya hindi pa rin inaalis ang nakataas na alert status.
Mahigpit namang pinapayohan ang publiko na iwasang pumasok sa 6km permanent danger zone hanggang sa hindi pa tuluyang naalis ang alert status.