LEGAZPI CITY – Mahigpit na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Bulkang Mayon sa Albay dahil sa ipinapakita nitong aktibidad sa nakalipas na mga araw.
Kapansin-pansin kasi ang muling pagkakaroon ng crater glow at madalas na naririnig ang rambling sounds sa naturang bulkan.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi gaanong nakakapagtala ng volcanic earthquake subalit namumula ang bunganga ng bulkan na nangangahulugan na papaakyat ang magma at patuloy rin ang inflation nito.
Kailangan rin aniyang bantayan ang lagay ng panahon tuwing nagkakaroon ng rambling sounds sa bulkan na posibleng dahil sa nahuhulog na mga bato.
Nangangamba pa ang opisyal na kung magpapatuloy ang rigorous activity ng bulkang Mayon ay posible ang muling pagputok nito.
Samantala, nilinaw ni Solidum na walang kinalaman ang aktibidad ng bulk