Muli nanamang nagbuga ng mataas na lebel ng Sulfur Dioxide ang bulkang Taal.
Batay sa ulat na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, pumapalo sa 11,745 tons ng sulfur dioxide ang ibinubuga ng naturang bulkan.
Mas mataas ito kumpara sa karaniwang 7,777 tonelada ng volcanic sulfur dioxide na ibinuga ng Taal sa taong ito.
Dahil dito, nagkaroon ng makapal na usok na umakyat pa sa 2,400 metro ang Taas sa may bahagi ng Taal crater o bunganga ng bulkan.
Pinag-iingat rin ng Philvocs ang publiko dahil maaari aniyang makaapekto sa kalusugan ang mataas na konsentrasyon ng sulfur dioxide.
Partikular na makaka apekto ito sa mata, lalamunan at maging sa respiratory tract ng isang tao.
Hinimok din nito ang mga residente sa lugar na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan at magsuot ng N95 facemask at iba pang hakbang para hindi mapinsala ang kalusugan.
Sa ngayon, nakataas pa rin sa alert level 1 Ang bulkang Taal na kung saan ay manatili pa ang banta ng pagputok nito.