Nagbuga ang bulkang Taal ng makapal na plume na umabot ng 600 metro na napadpad sa timog-kanlurang direksiyon, base sa obserbasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa nakalipas na 24 oras.
Wala namang naitalang volcanic earthquakes mula sa bulkan. Ito ay sa gitna ng namonitor na pagtaas sa real-time seismic energy measurement mula sa bulkan simula noong Enero 4.
Noong gabi ng Lunes, Enero 6, nakapagtala ang bulkan ng minor phreatomagmatic eruption.
Habang huling nakapag-generate ng asupre ang bulkan noong araw ng Lunes, Enero 6 na nasa 4,188 tonelada.
Sa kasalukuyan, nananatili sa Alert level 1 o low level unrest ang bulkan.
Kayat patuloy pa ring pinapaalalahanan ang publiko na bawal ang pagpasok sa Taal volcano island na itinuturing na permanent danger zone gayundin bawal ang pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa panganib ng biglaang pagputok at iba pang mapanganib na aktibidad mula sa bulkan.