Nakapagtala ng mahigit 10 oras na tuloy tuloy na pagyanig ang Bulkang Taal base sa naging 24 hour na monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) simula Oktubre 12 ng alas-12:00 hating gabi hanggang Oktubre 13.
Sa kabila nito ay nananatiling “low-level unrest” o nasa Alert Level 1 pa rin ang mga aktibidad na ng Bulkang Taal.
Nasa “moderate” naman ang lebel ng volcanic gases emmissions ng bulkan sa nakalipas na 24hrs at nakapag generate ng usok na umabot ng 900 meters.
Ang naging sulfur dioxide emmissions naman ng bulkan sa kabila ng pagiging aktibo nito ay nanatiling mababa na mayroong kabuuang 1,256 na tonelada.
Ayon naman sa PHIVOLCS, mananatili ang Taal sa alert level 1 dahil sa posibleng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas na maaaring magbanta sa mga lugar sa loob ng Taal Volcano Island (TVI).
Inabisuhan namang muli ng ahensya ang mga awtoridad na ipagbawal muna ang pagpasok sa Taal permanent danger zone partikular na sa main crater nito at sa mga bahagi ng Daang Kastila.