-- Advertisements --
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mahinang phreatic eruption o pagbuga ng usok sa bulkang Taal.
Ayon sa ahensiya, ito ay nagmula sa main crater ng bulkan.
Batay sa record nito, nangyari ang naturang aktibidad sa pagitan ng 9:30 PM at 9:32PM kagabi, June 24 2024.
Dahil dito ay nakitaan ng singaw o usok ang bulkan na hanggang 600 na metro ang taas.
Naitala rin ng PHIVOLCS ang tuloy-tuloy na pagtaas ng lebel ng sulfur dioxide na lumalabas sa naturang bulkan kung saan umabot sa 4,641 na tonelada ang naitala araw-araw mula pa noong Hunyo 20, 2024.
Nananatili namang nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Taal, na patuloy namang binabantayan ng PHIVOLCS.