-- Advertisements --

Tinalo ng Chicago Bulls ang Minnesota Timberwolves sa ika-apat na preseason game ng dalawang koponan sa score na 125 – 123.

Naging sentro ng opensa ng Bulls ang guard na si Coby White na kumamada ng 23 points habang 19 points ang ambag ng forward na si Zach LaVine.

Sa panig ng Wolves, naging maganda ang performance ng bago nitong forward na si Julius Randle at nagpasok ng 15 points, 6 rebounds, at limang assists.

Gumawa rin ng double-double performance ang sentrong si Rudy Gobert: 13 points, 17 rebounds.

Naging gitgitan ang laban ng dalawang koponan mula umpisa hanggang sa matapos ang game.

Sa pagtatapos ng 2-min mark, kapwa nasa 119 points ang score ng dalawa.

Sa higpit ng depensa sa crunch time, umabot lamang sa tig-dalawang puntos ang naipasok ng bawat koponan sa loob ng isa’t kalahating minuto.

Tatlumpong minuto bago matapos ang laro, nagpasok ng 3-pointer si Bulls bench Jevon Carter, daan upang umangat ang Bulls sa score na 124 – 121. Pinilit ng Wolves na habulin ang kalamangan ng Bulls ngunit tanging dalawang puntos na lamang ang nagawa nilang ipasok hanggang matapos ang laro.

Tabla na ang preseason standing ng dalawang koponan na parehong may tig-2 panalo.