-- Advertisements --

Bumangko ang Chicago Bulls sa isang clutch performance upang pataubin ang isa sa mga namamayagpag na team sa Eastern Conference, ang Phila 76ers.

Bumida sa naging panalo ng Bulls ang guard na si Coby White na nagbuhos ng 24 points 9 assists at 8 rebounds habang 23 points 8 rebounds ang naging kontribusyon ng sentrong si Nikola Vucevic.

Ang Bulls star na si DeMar DeRozan ay nalimitahan lamang sa 15 points at limang assists, ngunit naging bahagi naman ito ng magandang depensa.

Nagawa ng Bulls ang naturang panalo sa kabila pa ng 40 points 14 rebound performance ni 2023 MVP Joel Embiid. 29 points naman ang naging ambag ng bagitong guard na si Tyrese Maxey.

Sa dalawang huling minuto ng laro, hawak ng Bulls ang lead ngunit pinilit ng Sixers na maungusan ang koponan sa pamamagitan ng magandang opensa nina Embiid at Maxey.

Gayunpaman, naging maganda ang depensa ng Bulls, kasama na ang clutch offence, dahilan upang tapusin ang laban, 108 – 104.