-- Advertisements --
Patuloy ang pamamayagpag ng Chicago Bulls matapos gulatin ang Indiana Pacers, 108-106.
Ito na ang ika-23 panalo ng Bulls habang ang Pacers ay tumikim sa kanilang ika-22 pagkatalo.
Maituturing na big win ang ginawa ng Bulls dahil sa buzzer beater na 3-pointer na ginawa ni DeMar DeRozan.
Sa kabuuang nagtala ng 28 points si DeRozan kasama na ang 11 of 12 sa free throws.
Malaking tulong din naman ang ginawa ni Coby White na may 24 points at si Zach LaVine na nagpakita ng 17 sa ika-anim na sunod panalo.
Sa kampo ng Pacers si Caris LeVert ang nanguna sa 27 points at si Domantas Sabonis ay nag-ambag sa 24 points at 14 rebounds.
Nasayang ang abanse ng Pacers sa rebounds sa pamamagitan ng 55-42.