Hindi nakapalag ang Chicago Bulls sa pakikipagbanggaaan nito sa Milwaukee Bucks ngayong araw (Nov. 21), 122 – 106.
Nagbuhos ng 41 points ang 2-time MVP na si Giannis Antetokounmpo, kasama ang siyam na rebound at walong assist. Double-double performance naman ang ipinakita ng shooter na si Damian Lillard – 20 pts., 10 assists.
Dinomina ng Bucks ang kabuuan ng laban at binantayan ang paint area kung saan 54 points ang ipinasok ng koponan sa ilalim nito.
Kumamada rin ang koponan ng 31 free throw calls at 21 dito ang nagawa nilang ipasok. Tanging pitong calls lamang ang iginawad sa Bulls.
Sa loob ng 15 games na inilaro ng Bucks ngayong season, ang laban nito kontra Bulls ngayong araw ay ang pinaka-dominanteng laban ng koponan, kasunod na rin ng siyam na beses na pagkatalo ng 2021 NBA champion.
Sa panig ng Bulls, gumawa si Zach Lavine ng 27 points habang 15 points lamang ang nagawa ng kaniyang kapwa forward na si Torrey Craig.
Hawak ngayon ng Bulls ang anim na panalo at sampung pagkatalo.