Mistulang dumaan sa butas ng karayom ang Chicago Bulls bago tuluyang igupo sa apat na overtime ang Atlanta Hawks, 168-161.
Sa kabuuang pinagsamang puntos, umabot sa 329 ang naipasok ng dalawang teams para itala sa kasaysayan bilang ikatlo mula sa pangalawang record na 370 na nagawa ng Pistons at Nuggets sa triple overtime noong December 1983 at ang nangunguna sa NBA history ay ang 337 points ng Bucks and Spurs noong March 1982.
Kabilang sa naging bayani sa Bulls ay si Lauri Markkanen na nagawang ibuslo ang tatlong free throws para ibigay sa Chicago ang lead sa huling bahagi ng fourth overtime.
Si Markkanen ang siyang pumutol sa huling tabla sa 159-all kung saan nagtala siya ng 31 points at 17 rebounds.
Umeksena naman ng husto ang rookie na si Trae Young na umabot sa 56 minutes ang inilaro at ipinoste ang career high na 49 points.
Nagpakita rin siya ng 16 assists, eight rebounds at nine turnovers.
Ito na ang ikatlong sunod na game na napantayan o nahigitan pa ang kanyang scoring high mula sa back-to-back games na 36 points.
Sa ngayon ang Bulls ang itinuturing sa NBA na may youngest roster na may average edad na 24.1 years.
Ang Hawks naman ay nagpakitang gilas din sa una nang simula nila ang starting five na may tatlong rookies.
Sa ngayon ito pa lamang ang ika-18 panalo ng ng Chicago habang ang Hawks ay may 21-42 record ngayong season kung saan nalalapit na ang NBA playoffs.