-- Advertisements --
Hindi makakapaglaro ng hanggang anim na linggo ang point guard ng Chicago Bulls na si Kris Dunn.
Ito ay matapos ang isinagawang MRI examination ng kaniyang sprained medical collateral ligament sa kaniyang kanang tuhod.
Tinamo nito ang nasabing injury noong Enero 31.
Maryoong average points ang 25-anyos na si Dunn na 8.3 points, at 4.1 assists.
Umaasa naman ang koponan na mabilis na gumaling si Dunn.