-- Advertisements --

Na-upset ng Cleveland Cavaliers ang isa sa top team sa Eastern Conference na Chicago Bulls matapos na tambakan sa score na 115-92.

Ito na ang ika-limang panalo ng Cavs sa huling pitong mga laro.

darius garland Cavs
Cavs Darius Garland

Habang natuldukan naman ang pamamayagpag ng Bulls sa apat na sunod-sunod na panalo.

Sa ngayon meron ng kabuuang 14 na panalo ang Cavs, samantalang natigil naman ang Bulls sa 17 panalo at siyam na talo.

Nanguna sa diskarte ng Bulls si Darius Garland na may 24 points kung saan sinamantala nila ang kawalan ng dalawang star players ng Bulls, ang leading scorer na si DeMar DeRozan at point guard na si Alex Caruso.

Hindi naman kinaya na dalhin ang team nina Zach LaVine na may kabuuang 23 points at nine assists, Lonzo Ball na nagdagdag ng 19 points at si Nikola Vucevic na nagtapos sa 18 points at 12 rebounds.