-- Advertisements --

Umabot na sa 14 na mga players ng Chicago Bulls ang isinailalim sa quarantine matapos na tatlo pang players ang inilagay din ng NBA sa COVID-19 health and safety protocols.

Ito ay makaraang ipasok na rin sa isolation ang Bulls star na si Lonzo Ball.

Kabilang pa sa bagong nasa quarantine ay ang forward na si Alfonzo McKinnie at maging ang center na si Tony Bradley.

Nitong buwan lamang ng Disyembre umabot sa 14 players ang sumailalim sa health protocols maging ang coach na si Billy Donovan nito namang nakalipas na weekend.

Sa laro kanina ay nanalo pa rin ang Chicago laban sa Indiana Pacers, 113-105.

Nakabalik na rin si Zach LaVine na may 32 points na kagagaling lamang sa quarantine.