Nagpapatuloy pa rin ang bullying sa mga paaralan sa kabila ng pagkakapasa ng Republic Act No 10627 o ang Anti- Bullying Act halos sampung taon na ang nakakaraan.
Batay sa survey na isinagawa ng Programme for International Student Assessment o PISA, lumalabas na sa mga 15 years old na kabilang sa survey, 65 % nito ay nagsasabing nakakaranas pa rin ng pambubully nang ilang beses sa isang buwan.
Sinabi ng mga opisyal na kailangang suriin kung gumagana ang mga pamamaraan na itinakda sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Order No. 55, kabilang ang mga agarang tugon, pag-uulat, paghahanap ng katotohanan at dokumentasyon, interbensyon at mga hakbang sa pagdidisiplina.
Binigyang-diin pa ng senador na kasabay sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon ay kailangan tiyakin ang kaligtasan ng mga paaralan at mga mag-aaral nito.
Dagdag pa niya na kung nais natin na matiyak na maging mahusay ang mga mag-aaral ay mahalagang masugpo ang Bullying at tiyakin na safe ang bawat sulok ng silid-aralan.
Matatandaan nong taong 2021 ng binuo ng Department of Education ang Child Protection Unit upang pagtibayin ang mga polisiya at commitment nito na protektahan ang bawat kabataang mag-aaral.