Umabot na sa kabuuang 178,715 liters ang nasipsip mula sa lumubog na MT Terra Nova.
Kahapon, Aug 23, nagawa ng salvor team na makapag-ahon ng kabuuang 17,103 liters habang noong Aug 22 ay kabuuang 81,136 liters ang nailabas mula sa lumubog na tangker.
Sa kasalukuyan, nagagawa na ng salvor team na makapagsipsip ng 2,966 liters ng langis kada oras, malayong mas mataas kumpara noong unang sinimulan ang siphoning operations.
Kahapon ay nagkaroon din ng problema ang isang booster pump na ginagamit sa operasyon ngunit agad ding naayos.
Samantala, agad namang nag-deploy ang PCG ng spill boom at skimmer sa lugar kung saan lumubog ang tanker matapos maobserbahan ang malabong oil sheen.
Ang halos 180,000 liters na naiahong langis ay ang kabuuang volume na nakuha ng salvor team mula nang simulan ang siphoning operations noong Aug 19. Sa unang araw, umabot lamang noon sa 2,350 liters ng langis ang naihaon.