-- Advertisements --

Naitala ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang halos dalawang porsyentong pagtaas sa bulto ng mga nahuling isda nitong buwan ng Enero, kumpara sa volume ng isdang nahuli noong Jan. 2024.

Naitala ng Regional Fish Port(RFP) ang kabuuang 39,399.10 metric tons (MT) ng mga isdang naideliver sa nakalipas na buwan.

Ang pinakamalaking bulto nito ay naitala sa Navotas Fish Port Complex na umabot sa 19.120.85 MT. Ito ay katumbas ng 81.03% na pagtaas kumpara noong Enero 2024.

Sumunod dito ang Bulan Fish Port at Davao Fish Port Complex na kapwa nagrehistro rin ng pagtaas sa bulto ng mga nai-deliver na isda.

Sa kabila nito, ilang mga fish port naman ang nagrehistro ng pagbaba ng bulto ng mga isdang naideliver sa nakalipas na buwan.

Kinabibilangan ito ng General Santos Fish Port Complex, Lucena Fish Port Complex, Iloilo Port Complex, at Zamboanga Fish Port Complex.