-- Advertisements --

Napuna ng Department of Health (DOH) ang bumababang bilang na sa ngayon ng mga taong nagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, bumababa na ang COVID-19 jab rates sa harap ng oversupply na mayroon ang Pilipinas sa ilang brands ng bakuna.

Base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard ng DOH, lumabas na 137,351,822 doses na ang naituturok sa buong bansa.

Pero sa naturang bilang, 374 doses lang ang naituturok noong Marso 9.

Nabatid mula sa DOH na 62,683,539 Pilipino ang naturukan ng first dose, habang 63,992,620 naman ang may kompletong dose.

Samantala, 10,675,663 naman ang nakatanggap na ng kanilang booster dose.