Ikinalugod ng Malacañang ang resulta ng third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan bumagsak sa 9.1 percent ang self-rated hunger o nagsabing nakaranas ng kagutuman nitong nakalipas na September 2019 mula sa 10.0 percent noong June 2019.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, consistent ang nasabing resulta sa nauna ng survey na nagsasabing bumaba ang bilang ng pamilyang Pilipinong itinuturing ang sarili bilang mahirap.
Ayon kay Sec. Panelo, ang improvement na nararanasan ng mga respondents kaugnay sa kanilang socioeconomic status ay isa sa mga dahilan ng mataas na satisfaction, approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabila nito, hindi raw titigil ang administrasyon, bagkus paiigtingin pa ang pagtatrabaho para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino at magkaroon ng komportableng pamumuhay.
“Despite this, as well as the countless accomplishments it has attained, this Administration has never had an attitude to laze away or rest on its laurels. The Chief Executive, together with his official family and their work forces, will therefore continue to hustle, not only to uplift more Filipino families out of the quagmire of indigence and hunger but also, to prevent our countrymen from falling or reverting back to poverty by addressing its very root causes,” ani Sec. Panelo.