-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na umakyat na sa 32 ang bilang ng mga bumabyaheng newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3.

Ito ay matapos na maging matagumpay ang pagdeploy ng LRV sa mainline ng pamunuan.

Sa inilabas na ulat ng kagawaran, nagsimula nang bumyahe ang mga nasabing bagon na mabusising dumaan sa quality at speed tests upang masigurong magiging ligtas ang serbisyo nito sa mga pasahero.

Ayon pa sa kagawaran, Sa tulong ng maintenance provider na Sumimoto-MHI-TESP ay ginagawa ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 bilang bahagi ng ipinapatupad na malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya.

Samantala, nananatili padin ang 30% passenger capacity ang pinapayagan sa mga tren na may katumbas na 124 na pasahero kada bagon o 372 na pasahero kada train set.

Patuloy pading ipinapatupad ang “7 Commandments” kontra COVID-19 sa loob ng tren bilang pagsunod sa safety health protocols laban sa nasabing virus.

Kabilang sa mga ito ay ang:

  1. Laging magsuot ng face mask at face shield
  2. Bawal magsalita at makipag usap sa telepono
  3. Bawal kumain
  4. Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transposrtasyon
  5. Laging magsagawa ng disinfection
  6. Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID 19
  7. Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.

(Marlene Padiernos)