-- Advertisements --

Binawian ng buhay ang tatlo sa anim na sakay ng bumagsak na ambulance helicopter sa may karagatan ng southwestern Japan.

Ayon sa Japan Coast Guard, kabilang sa nasawi ang 86 anyos na pasyente na si Mitsuki Motoishi, ang kaniyang caretaker na si Kazuyoshi Motoishi at medical doctor na si Kei Arakawa.

Nasagip naman ang 3 iba pang lulan ng ambulance helicopter kabilang ang piloto na si Hiroshi Hamada, Kazuto Yoshitake, helicopter mechanic at 28 anyos na nurse na si Sakura Kunitake.

Nangyari ang trahedya habang patungo ang helicopter sa isang ospital sa Fukuoka para dalhin doon ang pasyente mula sa airport sa Nagasaki prefecture.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ang sanhi ng aksidente.