-- Advertisements --
Kinumpirma ng US military na bumagsak ang isa sa kanilang mga eroplano sa eastern Afghanistan nitong Lunes.
Pero ayon sa tagapagsalita ng US forces sa Afghanistan na si Col. Sonny Leggett, bagama’t patuloy ang imbestigasyon hinggil sa pangyayari, wala raw indikasyon na pinatumba ang kanilang eroplano.
“While the cause of crash is under investigation, there are no indications the crash was caused by enemy fire,” pahayag ni Leggett.
Pinabulaanan din ni Leggett ang pahayag ng grupong Taliban na may isa pang aircraft ang bumagsak.
Batay sa ulat, bumagsak sa Deh Yak district, Ghazni province ang aircraft, na may malaking presensya ng naturang grupo.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ilan ang kataong sakay ng eroplano. (BBC)