Tiniyak ng Manila International Airport Authority na walang masyadong epekto sa kanilang operasyon ang eroplanong lumagpas sa isang runway ng NAIA kaninang madaling araw.
Nabalahaw ang Aircraft 321 ng Jetstar Airways na papunta sanang Narita, Japan matapos na lumagpas sa shoulder ng runway 1331 makaraang mag-take off.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, wala raw problema sa operasyon nila dahil kanila nang isinara ang maiksing runway ng paliparan.
Normal din aniya ang operasyon ng runway 0624 na mas maaga raw nilang binuksan upang magbigay-daan sa mga eroplanong parating at paalis.
Sinabi pa ni Monreal na sinisikap nilang maalis sa lalong madaling panahon ang bumalahaw na eroplano nang sa gayon ay kanila nang magamit ang isinarang runway.
Naibaba rin daw at na-evacuate natin ang mga pasahero ng eroplano at dinala ang mga ito sa NAIA Terminal 1.