-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Desperado ng masyado ang mga tao sa bayan ng Dinagat sakop ng Dinagat Islands province dahil sa kawalan ng makakain matapos na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin na-abutan ng ayuda

Sa panayam ng ating Bombo news team sa isang survivor, inihayag nito na bumibili na lamang sila ng bigas na nabasa na ng ulan upang mayroon lang silang makakain.

Umapela ito sa mga nais mag-abot ng tulong na iprayuridad nila ang pagkain at tubig inumin dahil wasak-wasak ang kanilang agrikultura dahil ang lahat ng 11 nilang mga brangay ang hinagupit ni Odette.

Inihayag din nito na sa 160 kabahayan lang sa kanilang barangay, 11 na lamang ang nakatayo ngunit wala ng mga bubong.