-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagsagawa na ng clearing operation ang mga otoridad sa daan matapos gumuho ang bahagi ng bundok sa Indigasan, Brgy. Tiolas, San Joaquin,Iloilo.

Ito ay kasunod ng nangyaring pag-ulan kung saan lumambot ang lupa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Feliz Perez, Chief of Police ng San Joaquin Municipal Police Station, sinabi nito na gumamit na ng backhoe upang makuha ang lupa na humarang sa daan na bahagi ng San Joaquin, Iloilo – Hamtic, Antique Road.

Ayon kay Perez, ang lugar ay landslide-prone kayat palagi nila itong pinagtutuunan ng pansin lalo na kung may mga malalakas na pag-ulan kung saan may nalalaglag pa na malalaking bato.

Pinayuhan rin nito ang mga motorista na dumadaan muna sa kalsada papuntang Anini-y, Antique upang hindi ma-stranded sa daan.