GENERAL SANTOS CITY – Pinabulaanan ni Police Regional Office 12 Director Brigadier General John Michael Dubria na may nahukay na isang motoriklo at bungo ng tao sa pamamagitan ng backhoe.
Gayon pa man sinabi nito na may isang backhoe sa luob ng kampo subalit hindi ito ginagamit dahil ebedinsya ito sa kaso ng Maguindanao massacre at kung meron man gamit ito sa maraming construction na ginagawa sa luob ng kampo.
Ayon pa ni General Dubria na kung may mahukay na bungo ng tao kaagad protektahan ang crimescene at kanilang imbestigahan.
Nilinaw din ng Heneral na inimbestigahan na ang pagkawala ni Patrolwoman Kristene Joy Roxas kahit pa nitong nagdaang mga buwan lamang dumating ng Police Regional Office 12 gayong nawala ang nasabing pulis nuong 2018 pa.
Dagdag pa nito ng mawala ang nasabing pulis nakapagwithdraw pa ito sa kanyang ATM card.
Matatandaan itinurong bagman ng Investment scam na PPM ang nasabing Pulis.