-- Advertisements --

Ganap nang dalaga ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica o mas nakilala ng publiko bilang si Kitty.

Ito’y matapos magdiwang ng kanyang 18th birthday si Kitty sa isang hotel sa Davao City kagabi, base mismo sa dating tagapagsalita at dating chief legal counsel ni Digong na si Salvador Panelo.

Isa si Panelo sa mga bisita na nagbahagi sa video ng moment ng mag-ama sa nakagawiang father-daughter dance tuwing debut.

Kitty Duterte debut gown by Mak Tumang

SI Kitty ang tanging anak ni Pangulong Duterte sa common-law wife na si Honeylet Avanceña. May tatlo pa siyang anak sa dating misis na si Elizabeth Zimmerman- ito ay sina Paolo, Sara at Sebastian.

Samantala, inirampa ng birthday celebrant ang gown na gawa ni Mak Tumang na siya ring nasa likod ng pumatok na lava gown ni Catriona Magnayon Gray noong tanghalin bilang 2018 Miss Universe.

Nakasuot naman ng Barong Tagalog ang 77-year-old chief executive.