-- Advertisements --
CEBU – Arestado ang isang buntis sa Cebu matapos maaktuhang ibinebenta ang anak sa pamamagitan ng cyberporn.
Batay sa ulat, ginamit ng ina ang kanyang anim na taong gulang na anak, pati na ang mga kapatid na 18-anyos at 21-anyos ang edad.
Kulungan din ang bagsak ng nanay ng mga nadakip matapos kunin ang perang ipinadala ng dayuhang customer.
Sa bisa ng entrapment operation na ginawa ng Women and Children Protection Center-Visayas Field Unit nahuli ang mga salarin.
Nasa pangangalaga naman na ng Department of Social Welfare and Development ang mga biktima.