KORONADAL CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang katextmate ang isang buntis kaninang umaga sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si alyas Inday, 24 anyos, hiwalay sa asawa at may 3 anak na residente ng Tulunan, North Cotabato.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ronnie Det, karelasyon ng biktima, noong araw ng Sabado lamang sila nagkita ni Inday matapos na pumunta umano ito sa kanyang tinutuluyan sa Barangay Blingkong, Lutayan, Sultan Kudarat.
Sa salaysay ni Ronnie, nagtext lamang sa kanya si Inday na nasa lungsod ng Koronadal na ito noong Sabado at nagpapsundo, subalit dahil sa marami umano siyang ginagawa ay ang bayaw nito ang sumundo sa biktima.
Nang nagkita na sila napansin umano nito na wala sa mood si Inday at palaging nakatutok sa cellphone at walang ganang kumain.
Dahil sa pagod matapos umani ng gulay natulog umano ng maaga si Ronnie kagabi at sa kanyang pag-gising nakita na lamang nito na wala nang buhay si Inday at nakabitin gamit ang lubid sa puno ng Ipil-ipil.
Hindi rin maipaliwanag ni Ronnie kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ni Inday ngunit sa huli nalaman na dalawang buwan na itong buntis at nais sana na magtrabaho sa iban bansa ngunit di matutuloy dahil sa kanyang kondisyon.
Wala umanong ideya si Ronnie kung siya ang ama ng sanggol sa sinapupunan ni Inday dahil sa limang buwan na nga silang magkarelasyon ngunit dalawang beses pa lamang umano silang nagkita.