-- Advertisements --
ILOILO CITY- Dumepensa ang Qualimed Hospital sa Iloilo City matapos tinanggihan umano ang isang buntis na pasyente hanggang sa nanganak na lang sa loob ng taxi.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ms. Dara Coloso, Physicians and Customers Relations Associate Manager ng Qualimed Hospital, sinabi nito na nang pumunta ang buntis sa kanilang ospital, nagkataon na nagsasagawa sila ng disinfection.
Maliban dito, wala rin anyang maipakitang negative na RT-PCR test ang buntis.
Pinayuhan na lang anya ng OB-GYN ng Qualimed ang buntis na lumipat na lang sa ibang ospital.
Ngunit hindi na anya siya nakaabot pa sa ospital at nanganak na lang sa loob ng taxi.