-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nananatiling at-large ang suspek sa pananaga ng magkapatid sa Brgy. Puro, Aroroy, Masbate.

Nasa hot pursuit operations pa ngayon ang pulisya laban kay Ariel Gutlay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLtCol. Ryan Atanacio, hepe ng Aroroy PNP, patay sa insidente si ”Reyna” na kapatid ng live-in partner ng suspek na si Lorena, buntis at nagpapagaling pa sa kasalukuyan sa ospital.

Lumalabas sa inisyal na imbesitgasyon na nag-away sina Gutlay at Lorena na umano’y selos ang pinagmulan hanggang sa kumuha ng 19-pulgadang haba ng itak ang suspek at tinaga ang buntis.

Dumating naman ang kapatid ni Lorena na si Reyna na nagtangkang uwamat sa away subalit ito na ang napagbuntunan ng suspek.

Kaugnay nito ng makita ang dalawang duguan, tumakas na ang suspek.

Dinala naman ang dalawang magkapatid sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival si Reyna.

Napag-alamang nasa impluwensya ng alak ang suspek ng mangyari ang insidente.

Sasampahan ng kasong murder at frustrated murder ang naturang suspek.