-- Advertisements --

Patuloy na uulanin ang ilang bahagi ng bansa dahil sa buntot ng frontal system.

Ayon sa Pagasa, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Visayas na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.

Samantala, hanging amihan naman ang magpapaulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan.

Ang Ilocos Region at ang nalalabing bahagi ng Central Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mahinang pag-ulan bunsod ng northeast monsoon.

Habang ang Mindanao ay uulanin din dahil sa localized thunderstorms.