-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Buong barangay council ng Barangay San Isidro, Midsayap, Cotabato ang sumasailalim ngayon sa 14-days quarantine ang matapos magkaroon ng close contact sa isa nilang brgy. kagawad na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay barangay kagawad Ronald Oñas, minabuti nilang mag-isolate sa ngayon dahil sa dumalo sila sa ginawang pagpupulong ng barangay council nitong nakaraang linggo kung saan nakasama nila ang nagpositibong opisyal.

Sinabi ni Oñas, na sa ngayon ay 26 ang naka-isolate at nananatili sa brgy. facility habang ang nalalabing bilang ay naka-home quarantine.

Kabilang din sa mga apektado ay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping and Action Team o BPAT.

Dagdag ni Oñas na sumailalim na silang lahat sa RT-PCR test at inaantay na lamang ang resulta nito.

Sa ngayon, may dalawang aktibong kaso na ng COVID-19 ang Brgy. San Isidro kabilang ang isang barangay kagawad.

Kaugnay nito, nagpaabot agad ng tulong ang grupo ni dating Board Member Rolly Sacdalan sa mga apektadong residente.

Tiniyak ni Sacdalan na magpapatuloy ang kanilang grupo sa pagbibigay tulong sa mga pamilyang naaapektuhan ng krisis dulot ng COVID-19.

Katuwang ni Sacdalan sa pamamahagi ng tulong si Emergency Operations Center o EOC Incident Commander Coun. Dr. Vivencio Deomampo Jr., Kon. Justine Clio Ostique, Sangguniang Kabataan Municipal Federation (SKMF) President Mark Ferven Avance, former Coun. Morata Mantil, Brgy. Poblacion 2; Kagawad Richard Lapinid, Brgy. Poblacion 8, Kag. Karina Joy Satentes, Brgy. Kimagango Chairman Ian Ostique, Emmanuel Acosta at Balong Bayya.