Wala pa ring suplay ng kuryente sa buong Bohol at ilang bahagi ng central, western at eastern Visayas hanggang sa ngayon matapos manalasa ang bagyong Odette.
Ito ang inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasunod ng isinagawang aerial survey kanina.
Kita sa video ng NGCP ang mga torre ng at steel pole nitong pinadapa ng bagyong Odette.
Sinabi ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Perez-Alabanza na 12 tower at 600 steel pole ang nasira dahil sa bagyo kung saan karamihan ay nagmula sa Cebu, Bohol at Leyte.
Aniya, target ng NGCP na maibalik ang transmission services sa Negros sa Disyembre 22, Miyerkules.
Sa Mindanao, maraming tower din ang nasira sa Caraga.
Ang Surigao del Norte kasama ang Siargao, at Surigao del Sur ang tanging mga lugar na walang transmission services.
Sinabi ni Alabanza na maaaring maibalik ang kuryente sa o bago ang Araw ng Pasko.
Sinabi ng tagapagsalita ng NGCP na patuloy pa rin ang aerial inspection sa mga nasirang tower at steel pole.
Maraming transmission services ang naibalik simula noong Lunes tulad ng sa Agusan del Norte at Agusan del Norte sa Mindanao.
Sa Visayas, isang pansamantalang pagsasaayos ang itinakda sa Leyte at Samar upang magbigay ng suplay ng kuryente pansamantala.
Dagdag pa ni Alabanza, ang transmission services para sa CEBECO II at VECO customers sa northern Cebu ay naibalik na ng 100 percent at na-normalize.
Available na rin ang transmission services para sa SAMECO at DORECO.
Ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga komunidad ay nakadepende sa operasyon ng mga distribution utilities.
Habang ang NGCP ay nahaharap sa isang hamon sa mga pagsisikap nito sa pagpapanumbalik dahil sa limitadong suplay ng gasolina, sinabi ni Alabanza na nakikipag-ugnayan sila ngayon sa mga lokal na pamahalaan, Department of Energy (DOE) at mga supplier na dapat unahin.