-- Advertisements --

ROXAS CITY – Negatibo na sa paralytic shellfish poison o red tide toxin ang buong kadagatan na sakop ng Capiz.

Ito ang ba-se sa ipinalabas na Shellfish Advisory Order Numbers 8, 9 at 10 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region VI, may petsa Pebrero 22, 2023.

Sinasabing lumabas ang tatlong negatibong resulta sa isinagawang tatlong sunod-sunod na linggo na pagkuha ng samples sa nasabing kadagatan.

Dahil dito, ligtas ng mag-ani, magbenta at kumain ng ano mang uri ng shellfish na makukuha sa kadagatan ng probinsya.

Matandaang Oktubre ng 2022 ng unang ipinalabas na positibo sa red tide toxin ang buong kadagatan ng Capiz.

Samantala, ba-se sa ipinalabas na Shellfish Bulletin No. 01 may petsa Enero 10, 2023 ng BFAR Region VI, naunang nag negatibo sa red tide toxin ang coastal waters ng Roxas City, Sapian at Ivisan.