DAVAO CITY – Nasa 206 na lamang ang natitirang kaso ng COVID-19 sa buong Davao Region.
Katumbas ito ng 5.3% positivity rate.
Base sa report ng DOH Davao, sa nasabing bilang, pinakamarami pa rin ang sa Davao City na mayroong 69 cases; habang pangalawa naman ang probinsya ng Davao del Sur na mayroong 47 cases; Davao del Norte na mayroong 40 cases; 28 cases naman sa Davao de Oro; 19 sa Davao Oriental, at tanging tatlong kaso sa Davao Occidental.
Sinabi ni Dr. Rachel Joy Passion, hepe ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH Davao, isa sa mga rason ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon ay ang pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan na mapabakunahan ang mga Dabawenyo laban sa virus. Napag-alaman rin na sa 3.7 million na target population sa boung rehiyon, 88.2% ang nakatanggap na ng kanilang bakuna.
Maliban dito, hinikayat rin ng departamento ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang 5-11 years old na mga anak.